Part 2 - "In God the Father Almighty"

The Apostles' Creed  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 192 views
Notes
Transcript

What God?

Maraming mga bagay ang gumugulo sa isipan natin. Kaya yung mga pag-iisip tungkol sa Diyos ay naisasantabi. Pero ano ba ang pinakamahalaga sa buhay natin? Hindi ba’t ang Diyos na nagbigay ng buhay sa atin? Hindi lang siya basta pinakamahalagang parte ng buhay natin, he is greater than our life itself. Sabi sa awit ni David, “Your steadfast love is better than life” (Psa. 63:3). Wala nang mas mahalaga pa kaysa ang makilala ang Diyos, magkaroon ng tama at mas malalim na pagkakilala sa kanya, at ang ipahayag kung sino siya sa ibang tao.
Dahil diyan kaya tayo nagsimulang mag-aral ng Apostles’ Creed last week sa bagong sermon series natin ngayon, at sa Heidelberg Catechism na tumatalakay din diyan sa mga equipping classes natin. Alam ninyo na committed ako sa expositional preaching, yung meron tayong teksto na pinag-aaralan para matuto rin kayo kung paano pag-aralan ang Bibliya sa sarili n’yo. Pero sinabi ko rin na mahalaga yung mga ganitong doctrinal or theological expositions para makatulong din sa atin para mas maintindihang mabuti yung central or core teachings of our Christian faith, na siyang makatutulong din para mag-set ng boundaries sa interpretation natin ng Bibliya.
At mahalaga yung “God-centered” na interpretation, sa halip na nakasentro sa sarili natin o man-centered. Matutulungan tayo diyan ng Apostles’ Creed dahil hindi ito primarily tungkol sa atin at sa pinaniniwalaan natin, bagamat ang simula nito ay “I believe...” Ang focus ay kung sino ang Diyos na siyang sinasampalatayanan natin. At mananatili siyang Diyos whether people believe in him or not. Heto yung first line: “I believe in God, the Father almighty.” Ito muna ang pag-aaralan natin ngayon. Next week na yung kasunod, “maker of heaven and earth.” Sa Tagalog, “Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.” Sa Latin, “Credo in Deum Patrem Omnipotentem.” At yun din naman ang witness ng Bibliya tungkol sa Diyos. Mula sa simula, “In the beginning God...” (Gen. 1:1). Hanggang sa katapusan, and everything in between, it is all about God. “‘I am the Alpha (unang letra sa Greek alphabet) and the Omega (huling letra),’ says the Lord God, who is and who was and who is to come, the Almighty” (Rev. 1:8). At sa huling chapter ng Bible, “I am the Alpha ang the Omega, the first and the last, the beginning and the end” (22:13).
Bakit natin pinag-aaralan ang Creed? Because of God. Tama na muna yung thoughts na ano ang practical relevance nito sa buhay natin. Of course meron. Pero kapag yun ang nangingibabaw, we are making God as means to our own ends. “The Trinity does not exist for our sake or for the sake of our agendas. The triune God is not a means to an end. We exist for him (1 Cor. 8:6). The Trinity is an end in himself (Rom. 11:36). Therefore, studying the Trinity—seeking better to know and understand, to cherish and adore, to worship and serve the triune God—needs no justification beyond itself” (Scott Swain, in Matthew Barrett’s Simply Trinity).
Pansinin n’yo ang sabi ni Scott Swain, hindi lang God, kundi the Trinity, or the Triune God. ‘Yan ang Diyos ng mga Cristiano. Mainam siyempre na naniniwala tayo sa Diyos, na merong Diyos, hindi tulad ng iba na hindi naniniwala (atheists). Chances are karamihan ng kakilala natin ay theists. Religious kasi ang mga Pinoy. Pero sinong “Diyos”? Yun ang mahalagang tanong. Baka Diyos lang ng tradisyong kinalakhan, o Diyos ng sariling imahinasyon, o Diyos na naikakahon natin at nakokontrol, o Diyos lang na created in our own image. Baligtad. We do not create our own god. Siya ang lumikha sa atin, at nagpapakilala siya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Salita. So hindi yung popular conceptions of God ang paniniwalaan natin, kundi yung God as he revealed himself in his Word. Hindi naman natin siya makikilala kung hindi siya magpapakilala sa atin, at kung hindi natin kikilalanin ang Diyos na nasa bawat pahina ng Bibliya. Dahil kung hindi, baka ang Diyos na sinasabi nating sinasamba, sinusunod at pinagtitiwalaan natin ay isa lang palang idol o diyos-diyosan?

One God

So, kapag sinabi natin, “I believe in God,” sinasabi nating hindi lang naniniwala tayong may Diyos (theist at hindi atheist) at may isang Diyos (monotheist at hindi polytheist), kundi naniniwala tayo na ang nag-iisang Diyos na ito ay ang Diyos na nagpahayag ng kanyang sarili sa Bibliya (biblical theist), at nagtitiwala tayo sa nag-iisang Diyos na ‘yon at wala nang iba.“ Siya ang Diyos na nagpakilala sa Israel, “Hear, O Israel: The Lord our God, the Lord is one. You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your might” (Deut. 6:4-5). “Para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo” (2 Cor. 8:6 MBB).
Kung nabubuhay tayo sa pamamagitan niya, ibig sabihin ang buhay din natin ay dapat para sa kanya. “Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang. Kung tayo'y nabubuhay, para sa Panginoon tayo nabubuhay; at kung tayo'y namamatay, para sa Panginoon tayo namamatay. Kaya nga, sa mabuhay o sa mamatay, tayo'y sa Panginoon” (Rom. 14:7-8).
Kung sinasabi nating nagtitiwala tayo sa isang Diyos, dapat siya lang, wala nang iba. So, dapat layuan natin ang mga diyus-diyosan, mga idols, anyone or anything na nakapaglalayo sa atin sa kanya. Hindi lang mga obvious na kasalanan ang lalayuan natin, kundi pati yung mga mabubuting bagay sa nilikha ng Diyos na pinahahalagahan na natin nang higit sa kanya. Binabasa ko rin yung Catechism of the Catholic Church para tingnan ang pagkakaiba ng paliwanag nila sa Apostles’ Creed kumpara sa ating mga evangelicals. At nakikita ko rin ang malaking pagkakatulad. Nagustuhan ko yung nakasulat sa paragraph 226:
“Faith in God, the only One, leads us to use everything that is not God only insofar as it brings us closer to him, and to detach ourselves from it insofar as it turns us away from him: ‘My Lord and my God, take from me everything that distances me from you. My Lord and my God, give me everything that brings me closer to you. My Lord and my God, detach me from myself to give my all to you’ (St. Nicholas of Flue).”

Triune God

Kapag sinabi natin na “I believe in God...” na ayon sa Creed, sinasabi nating “I believe in the triune God.” Naniniwala tayo na may tatlong Persona sa isang Diyos, at nagtitiwala tayo dahil ganito niya ipinahayag ang sarili niya sa kanyang salita bagamat hindi natin lubos na maunawaan at maipaliwanag ang misteryong ito. “I believe in God, the Father almighty…And in Jesus Christ…I believe in the Holy Spirit...” Itong Trinity ang isa sa great mystery of Christianity. Ito rin ang isang uniqueness ng pananampalatayang Cristiano.
Hindi tatlong Diyos—tritheism yun. Hindi rin isang Diyos, isang persona, na nag-iiba-iba lang ng manipestasyon—Sabellianism, modalism o unitarianism yun. Ang pananampalatayang Cristiano ay trinitarian. “Para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo” (2 Cor. 8:6 MBB). At siyempre kasama rin ang Holy Spirit.
Throughout church history, merong nagdedeny ng pagka-Diyos ng Panginoong Jesus at ng Holy Spirit. We will study more of that sa mga susunod. Pero tandaan natin na itong biblical doctrine of the Trinity bagamat salita na hindi ginamit sa Bible ay thoroughly biblical. Inutusan tayong bautismahan ang mga tao “in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit” (Matt. 28:19). “In the name,” hindi “in the names,” singular, hindi plural. Isang Diyos, tatlong persona. Ganun din sa benediction ni Paul, “The grace of the Lord Jesus Christ and the love of God and the fellowship of the Holy Spirit be with you all” (2 Cor. 13:14).
Tatlong persona, pantay-pantay sa pagka-Diyos. Ang Ama ay Diyos. Ang Anak ay Diyos. Ang Espiritu ay Diyos. Hindi tatlong Diyos, kundi isa. Pero iba-ibang persona. Ang Ama ay hindi ang Anak. Ang Anak ay hindi ang Espiritu. Pantay sa kapangyarihan. The Father, almighty, The Son, almighty. The Spirit, almighty. Ang Anak at ang Espiritu ay hindi mas mababa ang pagka-Diyos kumpara sa Ama.
Heto ang strong at biblical statement ng Athanasian Creed (~450-600 AD) tungkol sa Trinity:

And the catholic faith is this: That we worship one God in Trinity, and Trinity in Unity; Neither confounding the persons nor dividing the substance. For there is one person of the Father, another of the Son, and another of the Holy Spirit.

But the Godhead of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit is all one, the glory equal, the majesty coeternal.

And in this Trinity none is afore or after another; none is greater or less than another. But the whole three persons are coeternal, and coequal. So that in all things, as aforesaid, the Unity in Trinity and the Trinity in Unity is to be worshipped. He therefore that will be saved must thus think of the Trinity.

Kapag dumako tayo sa pag-aaral tungkol kay Cristo at sa Espiritu, titingnan nating mabuti kung paanong sila ay Diyos din. But for now, dapat makita natin na itong Trinity ang “affirmative consensus of Christians over the centuries, borne of scriptural study, forged in prayer, confessed in baptism, and experienced in worship” (Michael Bird). Kung sinasabi mong naniniwala ka sa Diyos, naniniwala ka rin sa Trinity. Kung hindi, ibang diyos, at hindi tunay na diyos ang pinaniniwalaan mo. “This is the catholic faith, which except a man believe faithfully he cannot be saved” (Athanasian Creed’s last line).

God the Father

Kaya ang maling pagkakilala sa Diyos ay magdudulot ng napakalaking kapahamakan. Napakalaki ng nakasalalay dito. Kaya kailangan nating seryosohin ang pag-aaral natin. Siyempre hindi naman ibig sabihin na perpekto ang kaalaman natin. Kapag Diyos ang pag-aaralan—he is infinite and eternal—hindi naman talaga natin ‘yan lubos na mauunawaan. Pero dapat na akma sa kung paano niya ipinahayag ang sarili niya sa Bibliya.
At ngayon titingnan natin kung ano ang ibig sabihin na ipinahayag niya ang sarili niya—yung unang persona—bilang Diyos Ama o God the Father. Maaaring palasak na sa atin ‘yan, kasi kung magpray tayo, “Our Father in heaven...” (Matt. 6:9). Pero naiintindihan ba natin kung ano ang sinasabi natin? Bakit “Father”? Mahihirapan tayong unawain ‘yan kung yung pagkakilala natin at karanasan natin sa earthly father natin ang ipo-project natin na image kay God the Father. Akala mo “distant” and “aloof” ang Diyos kasi ganun ang tatay mo. Akala mo walang involvement ang Diyos sa buhay mo. Akala mo malupit ang Diyos at hindi mo siya malalapitan dahil sa takot o trauma na meron ka sa abusado mong ama. Posibleng in general ay meron kang magandang experience sa tatay mo, pero hindi pa rin sapat na standard yun para i-describe kung sino ang Diyos. Dahil ang tao ay nilikha sa larawan ng Diyos, there is a sense na nasasalamin ang pagka-Ama ng Diyos sa mga earthly fathers natin. Pero dapat na isaalang-alang natin palagi na we are dealing with God who is infinite and eternal in his perfections.
In recent years, merong mga leaders ng “feminist movement” na nag-oobject sa ganitong language about God. Father? Sobrang patriarchal naman yun! Kaya daw nagiging abusado sa kapangyarihan ang mga lalaki dahil sa ganyang image of God. Bakit daw hindi God the Mother? Well, meron din namang maternal imagery na ginagamit sa Scripture tungkol sa Diyos, tungkol sa kanyang compassion, tungkol sa kanyang pangangalaga, at sa comfort na ibinibigay niya sa mga anak niya (see Isa 42:14; 49:14-17; 66:13). Pero hindi natin papalitan ‘yan ng God the Mother kasi hindi ‘yan ang pagkaka-reveal ng Diyos sa sarili niya. Bakit natin babaguhin?
Ang dapat nating gawin ay mas unawaing mabuti kung ano ang ibig sabihin nun. Hindi ibig sabihin mas pabor ang Diyos sa male gender, at yung mga babae ay mas mababang uri kaysa sa mga lalaki. Walang “gender” ang Diyos. Although “masculine” yung name na ginagamit, pati yung mga pronouns to refer to God, hindi siya “male” at hindi rin siya “female.”
Hindi “gender” kundi “relasyon” ang primary reason kung bakit God the Father. Ang Ama ay merong Anak/anak. Ang anak merong ama. That’s the point. Sabi ni Michael Bird:
“The fatherly imagery underscores the person within the Godhead whose identity is associated with the deity’s supreme power and divine paternal care. God as Father speaks to the transcendence, sovereignty, and love within the Godhead...God’s fatherhood is part of the particularity of God’s self-disclosure. He reveals himself as Father: the Father to Israel, the Father of Jesus, and even the Father of believers.”

Eternal Father of the Lord Jesus

Kapag sinabi nating “I believe in God the Father Almighty,” sinasabi nating naniniwala tayo na siya ay Ama ng Panginoong Jesu-Cristo, the Son of God. Hindi muna tayo bilang mga anak niya at siya ang ating Ama. Before we became children of God, si Jesus ay Anak na ng Diyos Ama. At ang relasyon nila bilang Ama at Anak sa pagka-Diyos ng Diyos ay walang katulad. Unique. “I believe in God the Father Almighty…and in Jesus Christ, his only Son...”
Nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus. Pero ang kanyang pagiging Anak ay hindi nagsimula nung maging tao siya. Ang Anak ay “co-eternal.” Sabi ni apostle John, “we have see his glory, glory as of the only Son (KJV, only begotten) from the Father” (John 1:14); “No one has ever seen God; the only God (KJV, the only begotten Son), who is at the Father’s side, he has made him known” (v. 18). Sa John 5, gusto na siyang patayin ng mga Judio dahil “blasphemy” daw na tawagin niya ang Diyos na sarili niyang Ama, “making himself equal with God” (John 5:18). Kung ano ang ginagawa ng Ama, yun din ang ginagawa ng Anak (v. 19). “The Father loves the Son” (v. 20). Hanggang sa dulo ng chapter, Jesus keeps talking about his relationship with the Father. Sinabi niya kay Philip na ang nakakita sa kanya ay nakakita na sa Ama, “I am in the Father and the Father is in me” (John 14:9-11).
Hindi natin lubos na mauunawaan ang ganitong klaseng relasyon dahil walang sapat na “father-son” relationship dito sa mundo na magsasalarawan ng “Father-Son” relationship within the Godhead. Ang Ama ay from eternity to eternity ay Ama ng Diyos Anak. At ang Anak ay from eternity to eternity ay Anak ng Diyos Ama. Later on, we will talk about the Spirit. Pero ngayon pa lang, I hope na kahit na hindi natin ‘to lubos na maunawaan at maipaliwanag, at dahil hindi natin ‘to lubos na maunawaan, may we respond in wonder dito sa mystery ng Trinity.

Through Christ My God and My Father

At isa pang nakamamanghang katotohanan na kaakibat niyan ay ito: hindi lang tinawag ni Jesus ang Diyos Ama na “My Father.” Nung bago siya umakyat pabalik sa langit, sa Ama, sinabi niya sa mga disciples niya, “I am ascending to my Father and your Father, to my God and your God” (John 20:17). Oh, the wonder of wonders! Itong hindi mapipigtas na pagmamahalan na nasa pagitan at bumubuklod ng relasyon ng Ama at Anak ay siyang gusto ng Diyos na ibahagi sa atin. Sabi ni Jesus, “If anyone loves me, he will keep my word, and my Father will love him, and we will come to him and make our home with him” (John 14:23).
So, paanong ang Diyos Ama, ang Ama ng Panginoong Jesus, ay magiging Ama rin natin? Sa pamamagitan ni Cristo, only through him. Yun ang sagot ng Heidelberg Catechism sa Question 26, “Ano ang pinaniniwalaan mo kapag sinasabi mong: sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa?”: “Na ang walang pasimula’t walang hanggang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo...ay aking Diyos at aking Ama alang-alang kay Cristo na kanyang Anak.”
This has huge implications for all people. Sinasabi kasi nila na lahat ng tao ay children of God. God is the Father of all people. Kung sa pagiging Creator, yes. Pero kung yung fuller sense of the term Father, hindi. Take for example yung pakikipag-usap ni Jesus sa mga Judio. Ayaw nila kay Jesus, lalo na yung claim niya na ang Diyos ang kanyang Ama. Sabi nila na si Abraham ang kanilang ama, at mga anak sila ni Abraham. “We have one Father—even God,” akala nila (John 8:41). Pero yung antagonism nila kay Jesus, yung hateful attitude nila, yung unbelief nila, ay nagpapatunay na hindi Diyos ang kanilang ama. Sabi ni Jesus, “If God were your Father, you would love me” (v. 42). Kung hindi Diyos ang kanilang ama, sino? “You are of your father the devil” (v. 44).
Kung ikaw ay wala kay Cristo, anak ka ng diyablo. Dahil sa kasalanan, lahat ng tao ay “sons of disobedience...children of wrath” (Eph. 2:2-3). Walang ibang paraan para makalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ni Cristo. Sabi niya, “I am the way, and the truth, and the life. No one comes to the Father except through me” (John 14:6). Hindi mo makikilala ang Ama kung hindi mo kilala ang Anak (v. 7). At kung hindi ka sumasampalataya sa kanya, “Ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Sila ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Diyos” (1:12-13). Hindi komo ang magulang mo ay mga anak ng Diyos ay anak ng Diyos ka na rin. You don’t become a child of God by natural birth. Ang kailangan ay supernatural rebirth. “You must be born again” (John 3:7). At kung tayo ay mga anak, tayo ay kabilang na sa pamilya ng Diyos, sharing in that trinitarian love and joy. “And because you are sons, God (the Father) has sent the Spirit (the Holy Spirit) of his Son (the Lord Jesus) into our hearts, crying, ‘Abba! Father’” (Gal. 4:6)! Hindi ba ‘yan good news?!
Some of you have bad experiences with your fathers. Some of you have relatively good experiences, pero far from perfect pa rin. The Fatherhood of God for us through his Son Jesus is indeed good news. Pakinggan mo ulit si Michael Bird:
If there is anything good about human fathers, then there is something infinitely good about God’s fatherhood. For those of us who had bad fathers, no fathers, or lost our fathers, God the Father is the only father we might have now. Some of us for various reasons, often sad reasons, might find it hard to relate to God as Father. However, when properly understood, the news that God is our Father is good news indeed.
So, the most important question for you right now is this—at dapat na itanong din natin sa mga anak natin at mga kaibigan natin—Ang Diyos ba ay iyong Ama? Ikaw ba ay anak na ng Diyos? Sumasampalataya ka ba kay Cristo? Masasabi mo ba sa puso mo, “I believe in God the Father almighty…and in Jesus Christ, his only Son”? Kung oo, yes we belong to the family of God. Meron tayong mga kapatid kay Cristo at magiging bagong mga miyembro ng church, karamihan ay mga anak rin ng mga members na ng church, na ibabaptize natin as soon as possible, ico-confess din nila publicly na ‘yan ang pinaniniwalaan nila. At kasama natin sasabihin nating sama-sama, “I believe that God the Father is my Father through Christ his only Son.” At dahil sama-sama tayo, “We believe that God the Father is our Father through Christ his only Son.”

Our Father in Heaven

Kaya may church, kaya mahalagang mag-gather ang church, na magkita-kita tayo, na magkasama-sama tayo, para paalalahanan natin ang bawat isa ng katotohanang ‘yan. Kasi nakakalimutan natin. Pinaniniwalaan natin, oo, pero may pagkakataon na pinagdududahan natin ang Diyos na Ama natin. So, we pray together, “Our Father in heaven...” Kaya hindi pwedeng tumagal ang isang Cristiano na nakahiwalay sa church, na ang sasabihin niya lang sa prayer ay, “My Father, my Father...” Kung inilapit ka ni Cristo sa Ama, inilagay ka niya sa isang pamilya ng magkakapatid kay Cristo (from Balik Tayo sa Church). But more of that sa section ng Creed about “the communion of saints.”
Oo nga’t sumasampalataya tayo sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Pero ang daling humina ng pananampalataya natin. Ang dali nating pagdudahan ang kabutihan at kapangyarihan ng Diyos Ama. Meron kang hinihingi sa kanya sa mga prayers mo. Pero hindi pa rin niya binibigay. Nagdududa ka na, “Mabuti nga kaya ang Diyos bilang Ama? Ibibigay ba niya talaga ang mga pangangailangan ko?” O kung may nangyaring masama o masakit sa ‘yo, nagtataka ka na, “Bakit naman ito hinayaang mangyari ng Diyos sa akin? Akala ko ba mabuti siya, pero bakit masasama at masasakit ang nangyayari sa buhay ko?” O kung nakagawa ka ng malaking kasalanan, nag-aalinlangan ka na, “Tatanggapin pa kaya ako ng Diyos pabalik sa kanya? Patatawarin pa niya kaya ako?”
Sa mga panahong ganyan, alalahanin mo, ipaalala rin natin ito sa bawat isa: Na merong Diyos Ama na nagsugo ng kanyang nag-iisang Anak. Ang Diyos Anak ay nagkatawang-tao. Ipinakilala siya ng Diyos Ama sa mga tao, “This is my beloved Son, with whom I am well pleased” (Matt. 3:17). Buong buhay niya, his food is to do the will of his Father who sent him and to accomplish his work (John 4:34). Yung redemptive work, para tubusin tayo, ginawa niya hanggang sa kamatayan sa krus. Siya na walang sala ang namatay para sa ating mga makasalanan. Sumigaw siya, “My God, my God, why have your forsaken me?” For a brief moment, na parang eternity, tinalikuran ng Ama ang kanyang Anak para ano? Para iligtas tayo, para ilapit tayo pabalik sa kanya, para patawarin tayo. Yun ang prayer ni Cristo, “Father, forgive them…” By faith in Christ, hindi lang tayo pinatawad, binihisan pa tayo ng katuwiran ni Cristo, tinanggap sa tahanan ng Diyos, at itinuring na kanyang mga tunay na anak.
He is a good Father, a faithful Father, at makikita natin sa susunod na Linggo, he is God the Father Almighty. Kaya kung sinasabi natin, “I believe in God the Father Almighty,” sinasabi rin natin ang tulad ng karugtong na sagot ng Heidelberg Catechism sa Question 26, “...sa kanya ako ay tiwalang lubos kung kaya’t wala akong pag-aalinglangan na ipagkakaloob niya sa akin ang lahat ng bagay na kailangan ng aking katawan at kaluluwa at gagamitin rin niya para sa aking ikabubuti ang anumang pagsubok na ipapadala niya sa akin sa mapighating buhay na ito. Kaya niyang gawin ito dahil siya ay ang makapangyarihang Diyos, at ibig niya ring gagawin ito dahil sa siya’y isang matapat na Ama.”
Do you believe in God the Father almighty? Sana, dalangin ko, na ang sagot ng bawat isa sa inyo ay, “I believe in God the Father almighty.”
Related Media
See more
Related Sermons
See more